Buti pa ulan, malakas… ako, hindi.

Iba pala yung level ng stress ‘pag bigla kang nagkasakit at alam mong may red alert (mas red lang ng kaunti sa red alert sa opis).

Last Wednesday, June 3, sobrang excited ako non. After 5 looooonnngg months, uuwi na rin kasi si Mumsy at ang mga Buentots. Actually, dapat June 2 pa sila dumating (at ako naman, excited siyempre) kaso hindi sila naka-board ng flight due to some issues. Niweiz, June 3, delayed pa rin yung flight nila ng almost 2 hours kaya June 4 ng madaling araw, alas dos ng umaga na sila nakapag-checkout.

Galing pala sila ng Virginia, US. Healthy naman ang dating nila. Rosy pink cheeks nga si Mumsy at superhyperactive din sila Yno at Deen.

Kaya alam ko na hindi swine flu yung nagumpisang lagnat ko noong Friday (at okay na ang pangamoy ko ngayon… hehe… di pa ko naliligo, obvious to myself). Giniginaw lang naman ako noon, at may konting chill. At ayon sa slides na inemail sa akin ni KJ, kasama sa symptoms yung stuffy nose (negative), cough (negative) at shortness of breathing (nyeta, e nung binabasa ko yung slide, hinihingal ako. sira kasi elevator sa building namin at kakapanik ko lang! sa 5/F kaya kami… waah!).

So wala akong swine flu. Ang culprit, ako din!

Sobrang natuwa kasi ako sa ulan these past few days. Haay, naiinggit kasi ako dun sa mga batang naglalaro at nagtatampisaw sa ulan. Kaya sumisimple lang ako. Lakad takbo ako pag umuulan. Every chance I get. Hehehe.

Kaya heto, recuperating.

Pero feeling ko, pwede na kong maligo.

Under the shower. Imaginin ko na lang na ulan.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on June 7, 2009, in Familia Poets, Jakulit. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.