Category Archives: Walong Patong

KahelOS, anyone?

Spread Kahel OS

Visit the Kahel Website | Forum | Issue Tracker

I changed… I switched… But I am still the same old me. 😀

For two years now, I was using Ubuntu. For six months before that, Fedora it was. And way before that, I was on MS Win (and well, Wordstar eons ago).

And I can say, I am still a linoob, and they say, no Linux newbie dare try Archlinux. KahelOS is based on Arch and for a linoob like me, this is one heck of a trek. Whew!

Yes, I can find my way around in CLI (thanks to $ man, and the wealth and dearth of online HowTos). But my brain can’t retain further than ls, rm, cp, and some other not-so-simple. So here’s me, an ever trying-damn-hard linux end-user and loving every instance of it (yes, even failed efforts), but that’s console-speaking.

But you’d never imagine how frantic I was the first time when I HAVE TO un-use MS Win. Yes, I really have to. Part of the work environment. I remembered the first laptop assigned to me. It was a Compaq Presidio on MS. That first issued laptop and I had been fallen prey by the “Basag Kotse Gang” in Gilmore. Then, I got issued another one. It was running on MS until big boss declared — no computer or machine running on MS is allowed at 8layer!

Oh boy!

And the rest is history. No more system crashes, lost files and well, somehow, I missed the VIRUSes. But doing the switch is like losing an apartment and finding that you won a house and lot, tax free! (Or being dumped by a long-time boyfriend who you thought would be THE ONE only to be courted by an unpretentious gentlemanly debonair! hahaha!)

I am still tinkering here and there with my newly-installed Kahel OS on my Acer Aspire 4720. Good thing, the “issues” I encountered were already discussed on the KahelOS forum:

  1. Slow browser refresh which is why I am currently following the instructions to enable KMS (Kernel Mode Switch)
  2. Big fonts on my webpages which I will configure next
  3. Sound control defaulting to minimum volume on boot up so I need to set up my alsa

What I find awesome after installing KahelOS are:

  1. It has automatically detected wi-fi connections. My wi-fi button indicator miraculously came alive too! I thought it is simply just a button. Haha!
  2. The integrated Crystal Eye web camera has been auto-detected too. KahelOS included Cheese Webcam Booth and in one simple click, I saw myself’s vid grinning from ear to ear (self: go get a comb!).
  3. Moovida is also already installed. I still have to try this though, but I heard this is one application that makes multimedia experience a true delight.

I’d definitely be posting more of how I progress. For now, I would have to call it a night. And a good night at that. 🙂

Advertisements

8layer is 4!

8layer Technologies, Inc. has turned 4!

8layer Technologies, Inc. has turned 4!

komersyal

break muna. komersyal sandali sa tuluy tuloy na daloy ng dapat tapusin. nagpramis kasi ako kay Sir GZ (clue: makapangyarihang IT sa kumpanya ng mga niyog) na pagpunta ko sa kanila, hindi ako inaantok. hehe, nakakahiya naman na napapansin niya ang aking mga patagong hikab. huhu.

niweiz, hindi lang naman malalim na tulog ang sagot para hindi magmukhang puyat. meron din namang tinatawag na extra joss, red bull, lipovitan, at KAPE!

sa apat na yun, red bull at kape ang aking madalas na trip dati noong call girl ako (call center girl). ngayon, kape na lang. tutal ito ang libre sa HQ ng 8liens. maswerte nga ako’t may naligaw na C2 sa mesa ko, kaya hindi pa ko nakaka-2nd cup of coffee for the day. tipid pa sa palpitations ang aking nervous system. hehe.

pag ganito kasing may deadline, kailangang kalmado lang. kaya nga long playing na naman si God of Silence. ganda talaga nitong album na ito. buti na lang at nung launching ng album ay naimbita ako ni dating hs klasmeyt na miyembro ng Bukas Palad na manood. at hindi pa rin sya gasgas kasi kinopya ko na siya sa aking laftaf. yeez!

oops, balik busy mode muna ulit…

nangomersyal lang ang aking keyboard.

Maniwala ka nga naman…

Ang saya kaya kagabi. Got the chance to bond with another LCP classmate, CJ! Watta good news she brought with her… nope, di pa sya magku-quit. Good for her. Haha! But the news she brought was more filling than the dinner at Mongkok… She’s getting married!

Lotsa best wishes, CJ. Your French man sure is lucky, very very. 🙂 Sabi nga ni bossing, isang French ang nahango sa kahirapan.

The bad thing though was, she had to leave early (c’mon, 11PM is early still). Her fiance got no keys. Lost it thrice already. Haha.

Masaya din ako nung umaga pala. Naka-attend kasi ako ng hearing tungkol dun sa isang so-called project-finisher na naniningil para sa so-called finished project nya na isinubmit daw kay 8layer. Kaya naalala ko tuloy nung gabi yung isa sa mga so-called IT expert na dating taga-8layer (at itinuring na kaibigan ng aming bossing) din na involve dun sa so-called finished project.

Si so-called IT expert sa netsec at sysad kasi yung unang pinaharap sa akin nung magjo-join ako ng 8layer. Siyempre, dahil ang alam ko’y isa siya sa mga partners, someone who is supposed to know about the products, services, projects AND culture of the company, nakipagkwentuhan na rin ako. That was three years ago. January o February ng 2007 ata. Basta ang natatandaan ko lang (at humingi na ako ng kapatawaran dahil sa kakitiran ng utak ko), he gave me a bad picture of the very company that he was working for. Imagine my surprise when he talked about “under the table” transactions. My dismay was from the way he said it. Like it was a part of a normal process in closing a contract. And so, for two months, I stalled and evaded Deng (nag-sorry na ko di ba? Huhu.) whenever she would ask me when I can start reporting for work. Me and my being righteous… haay.

Anyway, months after, during one of our social calls, Deng mentioned that RH was no longer connected with the company. Then a brief story to appease my curiosity followed.

And the rest is history.

Three-year anniversary na pala ng pagtatagpo namin ni so-called IT expert. (Hehe, nainggit lang ako sa lovebirds na nagcecelebrate ng kanilang week-saries…). Nonetheless, with anniversary or non, puno ng re-realizations ang araw ko:

  1. Kung ikaw ay kaibigan (o pinsan, o kapatid) ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo, mas kailangang doblehin mo ang iyong efforts. Ikaw, higit sa kaninumang empleyado, ang susunod na ime-measure ng mga kliyente o kausap ng kumpanya. (Nasaan na kaya si so-called IT expert na dating so-called friend ni bossing? Sana ay natuto na siyang magprogram.)
  2. Huwag maniniwala agad sa kwento. Kaya nga kwento, kasi pwedeng hindi totoo. At ang kwento, kahit pa sabihin mong “Mine is a fact”, ay hindi applicable pa rin sa iba. (Nag-uunder the table pa rin kaya siya?)
  3. Gawin ang dapat gawin at huwag mawawala sa focus. Mapapansin ka rin nila kung talagang ginagawa mo ang iyong trabaho. (Salamat CJ sa realisasyong ito. Irerelate ko na lang sa malawakang inog ng buhay. Hehe.)
  4. Kung nasa tama ka, hindi magiging mali ang sitwasyon. At pag tunay kang tama at swerte, pati kaaway mo ay papanig sa iyo. (Ke abugado man siya o hindi. Hehe. Do I need to rephrase? Sige, let me rephrase, “Kung nasa tama ka, hindi magiging mali ang sitwasyon. At pag tunay kang tama at swerte, pati kaaway mo ay papanig sa iyo.”)

Yun, ito muna. Kwento lang ito, at ito ang kwento ko. Maniwala ka.

Choose Ko ‘Day!

Fact: Mula noong pagpasok ng 2009 (2% ng 2009, hehe), hindi pa ako naabsent sa beer. Ewan ko ba, parang gabi-gabi na lang, sa mga napupuntahan ko, laging may sesyon, e hamak na tapos na ang Oktoberfest. Jan 1, New Year’s celebration; Jan 2, 70s Bistro sa pagbabay sa berdey ni bossing Mara; Jan 3, wedding preps kila Annie; Jan 4, wedding ni Annie; Jan 5, 8liens sa Bahay ni Juan; Jan 6, DNS sharing ni Junior; at kagabi, naunsyaming Email Server sharing ni Roz.

Fiction: Lasing Philosophy pa rin. Hindi maipaliwanag ng “utak kong lito” (henyo, pahiram ng iyong legendary phrase… hehe…) at mananatiling higanteng question mark ang katinuan ng isang tao kapag nalalasing. Although may mga basis na ako tulad ng nangyari kay Roz (“Hindi ako lasheng!”), at kay JR (kunwari hindi tunay na pangalan, haha!) na kumakanta ng “Di Ako Iiyak” habang nanglilimahid sa luha ang mga mata.

Fact: Nakakuha na si Momsy ng US NIV. Na-aapprove siya for a 10-year multiple entry under non-immigrant status sa US. Ang saya nga e. Nagtambay ako sa Baclaran Church, nakapagnovena kay St. Gerard, at naka-attend ng misa para sa 3 Kings. Hayan, sana hindi na mamroblema ang ate ko habang tinatapos yung kanyang grad studies. Ngayon pa lang, sobrang namimiss ko na si Momsy. Five months kaya siya dun! Ibig sabihin, 5 months akong walang ina. Waaah! Walang adobo, walang dinuguan, walang seafood curry… at walang bantay ang Popsy ko?! Oh no!

Fiction: Matuto kaya akong magluto in five months?

Fact: Isa na akong misyon. Kahit saan yata ako mapadpad — sa trabaho, sa reunion, sa salu-salo sa barkada, nagmimistula akong nakakatawang tampulan ng tukso. Kulang na lang, ipost nila ang profile ko sa lost and found section ng mga dating sites sa internet. Kaya nga nagsenti mode ako sa Walang Malay. In fairness, hindi naman ako choosy (hindi talaga!!!). Sila ang choosy. Hehe, palusot.

Fiction: Malas daw ang mga taong ipinanganak sa year of the rabbit ngayong year of the ox. Ibig sabihin, malas ako. Pero sa nagdaang 2% ng 2009, hindi pa naman ako minamalas. Pero hello, last year kaya, swerte daw kami. Ngee, hindi kaya. Kung swerte ang mga rabbits last year, sana nakapagbreed na ako. Haha!

Fact: Solve ako sa ilang natanggap kong holiday gifts. Si SciPhone, si Baguio shirt, si Pink VS perfume, si Red jacket, si Sagada bead bracelet, at si lucky door charm.  At siyempre, pababasbasan ko na rin si crystal bead rosary. Sa mga nakaalala, sobrang daming salamat. Sa mga makakaalala pa lang, thank you in advance. Hehe.

Fiction: Huwag ko kayang ibigay yung mga hindi ko pa naiaabot na holiday gifts ko? Selfish.

%d bloggers like this: