Tunay at walang paki

Araw ng Kalayaan ngayon! Pero hindi Independence Day ang gusto kong gunitain. Masalimuot kasing isipin kung totoo bang tunay tayong naging malaya bilang isang bansa. Kaya sa pagmumuni-muni ko, sarili ko na lang ang aking tinanong. malaya ba ako bilang AKO?

Ahm, hehe. Ibang tanong na lang. Masalimuot din yata ito. Nag-freeze ako for about 15 seconds. Nag-hang ba.

Ito na lang. Isang salita na paborito kong gamitin. Siguro dahil hinahanap-hanap ko palagi: tunay na kaibigan. Pwede na rin itong pang-Independence Day topic kasi nahaging ko naman ang salitang “tunay” doon sa unang paragraph. Hehe.

Tunay na KAPANALIG.

Siya yung walang paki. Oops, parang mali no? Paano magiging kaibigan kung walang paki?

Ang ibig ko lang sabihin, wala siyang paki kung ano ang sasabihin mo, ano ang magiging reaksyon mo, anong magiging pagtingin mo, basta nagsasabi siya ng totoo sa iyo at ikaw sa kanya. Yung walang ekek na drama na kahit isang linggo o isang buwan kayo hindi magkita, alam mong nagtitiwala pa rin siya sa iyo na kahit anong mangyari, isasambulat mo sa kanya ang nangyari sa iyo, at siya naman sa iyo. Walang taguan. Walang sikreto.

Kapanalig keyword: Tiwala
Hindi kapanalig: Ka-tsismisan

Tunay na KAKAMPI.

Isa pang taong walang paki. Walang paki kung sabayan ka sa anumang laban o proyekto mo sa buhay at gamitan ka ng panggising, pangsindak, pangmotivate, pang-encourage, pang-inspire, panggulat, etc. para mapabuti at mapahusay ka sa anumang ginagawa mo.

Kakampi keyword: Kumpiyansa
Hindi kakampi: User

Tunay na KASANGGA.

Siyempre, walang paki ulit. Siya yung tipong ipagtatanggol ka muna bago alamin kung tama ka ba o mali. Kung mali, pagkatapos ka na niya ipagtanggol, saka ka niya aawayin, babatukan, pagagalitan, kukunutan, sesermunan para maitama ka naman.

Kasangga keyword: Panatag
Hindi kasangga: Tambay

Tunay na KABAGANG.

Hehe, walang paki na naman. Wala siyang paki kung saan mo dalhin at saan man kayo magpunta — sa away, sa gulo, sa inuman, sa mall, sa shopping, sa seminar, sa merry-go-round. Hindi mo na kailangang ayain kasi tiyak na hindi siya tatanggi at gagawa ng paraan para magkasama kayo sa adventure at misadventure.

Kabagang keyword: Kuntento
Hindi kabagang: Kaladkarin

Sa ngayon, ito lang yung napatid ng malaya kong utak. Pwedeng madagdagan, pero baka sa susunod na long holiday na lang. Hmm, sa August daw, meron. Hehe.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on June 12, 2009, in Blogroll. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: