Pwera Usog

Sampung tulog at isa pa… heto na talaga. Totoo na. Pupunta na kong Batanes.

Batanes!

Dream destination.

Naalala ko nang magbook sa PAL Express. Halos isang linggo akong nagpatumpik-tumpik. Araw-araw, pinupuntahan ko yung onlinebooking.philippineairlines.com  at tsinecheck kung magkano ang flights papuntang Basco mula Maynila. Malay lang. Baka biglang magkasale kahit hindi nila inaannounce. Asa pa.

Napansin ko noon, ang budget economy rates ng PAL ay nagbabagu-bago at naglalaro sa pagitan ng P3k+ hanggang P5k+. Kaya, nang bumaba ito ng P3K, binook ko na.

Agad kong kinontak yung isang kaibigan kong atat ding mag-Batanes. Kaso nang gabing yon, hindi daw siya makakunek sa internet. Pabigat talaga minsan ang mga telco. Kung kailan kailangang kailangan. At nangyari nga ang masakit na katotohanan…

Kinabukasan, nasa P5k+ na ulit ang MLA-BSO route, at hindi na muling bumaba ng P3k.

At nanghinayang na ng tuluyan si kaibigan na magpabook.

At nanatili akong nakabook mag-isa. Mula Pebrero hanggang ngayon.

Ganito ako katagal naghintay.

Muntik na akong samahan ng isa pa.

Pero nagatubili din. Naging busy sa pangangampanya.

Ah, sampung tulog na lang at isa pa. Bawal mausog.

Batanes, aking dream destination.

Hindi ka na magiging dream.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on November 25, 2015, in Byaheherang Pilit, Jakulit. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: