Flowers of Hope for Jewelyn

Nitong nakaraang Todos Los Santos, ipinakita natin kung paanong — kahit sa gitna ng traffic, sa tindi ng init, sa ibayong ingay — hindi pa rin matatawaran ang paggunita natin sa ating mga pumanaw na minamahal. Ngunit iba pa rin ang pakiramdam ng pagdadala ng kasiyahan sa ating mga mahal habang sila’y nabubuhay. Ika nga ni Lolo Mario, kulang ang isandaang taon kung kasama mo ang mga taong nagpapasaya sa yo.

At matitiyak ko rin na naggagandahang bulaklak at naggagaraang kandila ang dinala natin upang ihain sa puntod noong undas. Ngunit kakaibang bulaklak ang inuwi ni Ateng Annee. Mga plastic… handwoven flower pens. Ngunit para sa akin iyon na ang pinakamabango sa lahat. Hindi scented  ink pen ang dinekorahan ng bulaklak kaya ito bumango kundi dahil ginawa iyon bunga ng pagkalinga ng pamilya ni Jewelyn.

Si Jewelyn ay onse-anyos na babae na mistulang bata pa rin dahil sa cerebral palsy. Upang matustusan ang pangagailangan sa gamot at iba pang gamit, ang magulang at dalawa pa nitong kapatid ay gumagawa ng mga plastic na bulaklak na may pag-asang sa ganitong pagsisikap ay maipadama nila sa kapatid ang kanilang pag-aaruga at pagmamahal.

Nakakaantig din ang kwentong nabasa ko sa FB page na nilikha ng mga taong walang pasubaling tumutulong ngayon kay Jewelyn. Mababasa mo ito dito: http://www.facebook.com/pages/Flowers-of-Hope-for-Jewelyn/406156966116109

Ngayong Pasko, ineendorso ko ang mga plastic na bulaklak na ito upang patuloy na matanggap ni Jewelyn ang kinakailangan niyang atensiyong medikal. Siyempre, upang mapasaya mo rin ang aalayan mo ng bulaklak na ito, plastic man, humahalimuyak naman ang kakaiba nitong bango.

My nephew FJ all-willing to hold the flower pens for me.

Please “like” Jewelyn’s FB page, http://www.facebook.com/pages/Flowers-of-Hope-for-Jewelyn/406156966116109 and sharing it is much appreciated. Of course, if you order the flower pens and make it as gifts and tokens this Christmas, that’ll be truly awesome!

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on November 8, 2012, in Blogroll, Introspections and tagged , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: