Panandaliang Kalimot

Calacuchi Street. Ganito ko isinulat sa personal info form sa isang ospital ang street address ko. Naalala ko pa, tila biglang nagblackout ang utak ko sa salitang iyon. Nahintakutan pa nga ako at binalikan kung nai-spell ko ng tama ang pangalan ko. Aba, baka singilin ako kung hindi magtugma ang nakaprint sa aking health card at ang naisulat ko sa hospital form. Tama naman. Kahit mataas na ang lagnat ko, hindi pa naman ako naduduling. Hindi lang talaga mahagip ng utak ko kung paano ispelengin ang aking street address kaya hinayaan ko na lang. Calacuchi Street.

Brain fart ang slang na tawag sa ganitong tila nakakatangang katangahan. Pwede ring ihelera sa nagasgas na salitang absent-mindedness. Sa mga medyo ayaw umamin, sinasabi nilang “I lost my train of thought”. Para sa mga siyentipiko naman ang tawag dito ay “maladaptive brain activity change”. Sa pagsasama-sama ng mga dalubhasa sa neuroscience, sinabi nilang nagpahinga sandali ang ating utak kaya nagkaroon ng ganitong estado. Sa mas detalyadong pag-aaral, maari ninyong basahin ang research ukol dito sa http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2329680/

Malapit na kamag-anak ni brain fart si TOT o tip-of-the-tongue syndrome. (Hmm, brain fart at tot… aha, kaya pala!). Kung madalas na ma-usog ang isip natin, o kaya’y di lang minsan tayo magka-tot, ibang usapan na ‘yon. Ingat-ingat. Tanda na siguro ito ng pagkaulyanin o sintomas ng sobrang stress o bisyo. Maaari ring kailangan lang nating mas tutukan ang mga bagay na may kinalaman sa ating malinis na pagtatrabaho, makabuluhang interes, malinis na adhikain at kaigaigayang paniniwala imbes na sa mga bagay na wala namang katuturan. Tulad na lang ng pagbabasa ng blog ko kung may mas mahalaga ka pang gagawin. Ako kasi, bakanteng bakante ang utak ko. Parang puro hangin.

Ay, sa Calachuchi Street pala ako nagtira dati. Nagnonormalize naman ang isip ko paminsan-minsan. Pero yun nga, at least may alibi na ako. Pag nakalimot, tiyak, ang utak ko’y kinabagan lang.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on November 3, 2012, in Fast Facts, Introspections, Jakulit and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: