Kumustahan

Siyeteng kainis! Trick or treat ba ito? Sino ba naman ang hindi matatameme kung ang taong hinding-hindi mo inaasahan, at siyang pinakahuling nais mong makita kahit sa paggunaw ng mundo ay siyang biglang tatambad sa harap mo? Parang ngayon. Parang ikaw.

“Kumusta na! Balita?” sabi at tanong mo matapos ang mala-kidlat na tapik sa balikat ko.

Kamusta na nga ba ako? Pwede ko namang sabihing okay lang. Pero ito yung sagot na ayoko naririning kaya hindi ito ang sasabihin ko. Okay lang… Parang sagot ng taong walang pakialam.

E wala naman talaga na kong pakialam sa yo, di ba? Tinanggalan mo na ko ng pakialam buhat ng piliin mo ang ika-nga ni PNoy e daang-matuwid.

“Hindi ako okay! Umalis ka sa harap ko! Buset ka! User ka! Para kang iloveyou virus. Isa kang malaking kasinungalingan! Peste!”

“Heto, doing better. Work’s fine. Family’s all in good health. Friends are great! I’ve been having such splendid days until now. Nang makita kita. Nakakasira ka ng araw at gabi. Halloween ka talaga sa buhay ko!”

Tatanungin ba kita kung kamusta ka na? Kung ano nang balita sa yo buhat nang sabihan mo ako ng what’s best for “us”. Us?! Wala namang “us”. Ni minsan, hindi ko narinig na kasama ako sa plano mo. Wala naman talagang “us” kaya hindi ko maintindihan kung ano yung ibig mong sabihin nang sabihin mong “This is what’s best for us”.

Aah! Nakakadismaya! Pero ako, kilala mo ako. Ako si totoo. Minsan lang mag-joke — joke! Sabi nga ng isa sa mga paborito kong pilosopong si Aristotle, “to say of what is that it is, or of what is not that it is not, is true”. Totohanan tayo. Huwag ng magpaikut-ikot. Kaya di tayo nagtagpo noon e. Dami mong ligoy, sa iwan-ewan din pala ang tuloy.

May bagung bili nga pala kong kampit. Pabili ni madir. Dala ko ngayon. Tagain kaya kita? Hmm. Bitter! Siyeteng kaasar talagang araw na ‘to! Ba’t ba nagpakita ka pa? Nananahimik na ko e! Singtahimik ng mga kaluluwang dadalawin namin bukas!

“Kamusta ka na? Anu na’ng balita sa yo?” ulit mo.

“Ah, okay lang. Balita? Walang masyado. Gagawa pa lang. Kaya heto nagmamadali. Sige, nice seeing you. Bye!”

Siyeteng putek talaga! Ang galing ko talagang tumakbo.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on November 1, 2012, in Introspections, Jakulit and tagged , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: