hindi bawal maging masaya kung nadidismaya

hindi bawal maging masaya.

hindi rin bawal ngumiti o tumawa mag-isa (basta yung walang gaanong nakakakita. pwede ka namang mag-pa-effect na may kausap sa cellphone kung hindi mo talaga mapigilang ngumiti).

anyway, masaya ako. bakit? hindi ko rin alam. basta nag-umpisa at nagtapos lang ang aking araw (vampire shift ako, kaya papatapos na ang aking “araw”) ng nakangiti. ewan ko ba. parang may magandang mangyayari. parang mananalo ako ng jackpot sa lotto (oops, makataya nga!).

no, hindi dahil “panalo” si Noynoy at siya na diumano ang bago nating presidente. hindi naman ako dapat magsaya kasi, sige na nga, hindi siya ang ibinoto ko. at kung sakaling makahabol si Erap (hindi pa naman tapos ang bilangan… baka humabol pa siya…  naku, baka manalo pa si Erap!), teka, hindi din naman ang bilog na hugis itlog sa tapat ng pangalan ni Erap ang initiman ko, kaya hindi si Noynoy o si Erap ang dahilan ng aking pagiging masaya.

ewan ko sa iba, pero kanina pa kasi ako nagpapabalik-balik sa site na ito: http://electionresults.ibanangayon.ph (na katulad din ng http://electionresults.comelec.gov.ph) pero hindi ko pa rin mawari kung bakit walang official tally, tipong running score, para naman masaya. at sana din, meron silang ibinibigay man lang na ideya kung ilang balota pa ang babasahin, ilang balota ang nawawala o hindi nagamit, nakaboto ba ang mga dapat bumoto o kung pwede pa bang bumoto yung mga hindi nakaboto dahil nawalan ng gana sa mga sirang pcos. wala lang. para naman… para naman masaya! kaso, wala e. kaya nakakadismaya.

pero hindi ako papaapekto (muna…) sa aking panibugho sa AES.

basta, masarap maging masaya. may kababawan man ang dahilan. nagsimula man sa ngiti at sa kakaunting salitang hindi ko inaasahan, mababaw lang naman talaga ako.

mababaw, at masaya.🙂

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on May 12, 2010, in Blogroll, Foolitics, Introspections, Jakulit. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: