Kuya

Sabi ni Kuya Rey kahapon, kung absent siya ngayon, ako ang may kasalanan.

Pero binawi din niya. Absent kasi siya kanina. At hindi ako ang may kasalanan. Yung umapak sa likod niya. Tsk tsk. (E, Lav, ikaw ba yun? Ahehe!).

Kahit naman papano, naguilty din naman ako. Hindi niya kasi natanggihan ang aking makabagbagdamdaming text na, “Libre mo ko dinner! Or else, itatatwa kitang kapatid!” kahit iniinda na niya ang kanyang likod kahapon pa.

Kidding, ako ang nag-invite kay utol. Umuulan kasi noon sa pinagtambayan kong mall na walking distance lang dun sa pinanggalingan kong client call, at medyo may “lagnat” daw ako ayon sa nagkuha ng aking temperature, kaya naisipan kong magrelak-relak. At si bro ay isang ride lang (kung magtataxi… hehe).

At dahil na rin minsan lang naman ako “maglambing” kaya siguro hindi niya ako natiis. Hehehe.

Nakakamiss din pala ang utot! Naturingan kasi kaming magkapatid, pareho naman kaming nasa “menila”, pero minsan sa kalahating kalendaryo lang kami magkita. Siguro sa isang taon, wala pang accumulated 48 hours yun!

Nakakatuwa lang. Sa sarap kasi ng kwentuhan, hindi na namin namalayan yung oras kung hindi pa lumapit yung waiter na nagsabing “last order na po”.

Ambait talaga ni Kuya. Kasi nagyaya pa siyang magkape. Akala ko naman, sa may istarbax… Pero okay na rin. Kahit anong libre, masarap! Haha!

Nga pala, hindi ko “Kuya” si Rey. Mukha lang talaga siyang mas matanda sa akin ng dalawang taon.

Ahehe, peace, bro! At sobrang salamat. Sabi mo nga, next time, sana kasama naman natin si Atenggot. Para may libreng hatid, bago maluma yung kanyang Chevy.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on July 1, 2009, in Blogroll. Bookmark the permalink. 11 Comments.

  1. walangmalay, you don’t need a tot, kasi ikaw na mismo ang tot ng natolinatots. siempre punta elaitot sa bday ni ynopot, excited na nga e. dpat kasama si kuya eric para kumpletos ulit poetots. I think amapoet was the happiest poetots nung binyag ni epjeypot so dapat talaga mkumpleto ulit mga poets.

    PS: wag na 3 in 1, problema pa thermos. Kat coffee sa Mr. Donut na lang, masarap coffee dun, parang istarbax

    see yee…

    • honga pala kuya, ako’y isang tot. haha!

      at yep, sige, patulan ang kape sa mr. donut… sa dunkin, may duo, brewed din. hehe.

      kitakits sa fireworks, este sa jabi.

  2. yap! that’s me….Thanks sa nagbigay ng name na yan….hehehe..

    Atenggot, pede po ba akong makiparty sa mga bueninos?..di ko pa nakikita ang bunsong bueninos, wag kang mag-alala makikipaglaro ako at tutulong ako na maging busy ang mga bibong chikiting ng familya poets..sana nga nandon din ang elaitot para mas masaya..

    walangmalay, sama ako para may kasama kang walang tot…hehe

  3. unang-una, sino si “yotz”? pangalawa, tama si korey, busy nga ako sa mga bueninos, kaya pwede lang ako makajoin pag kasama mga bueninos at makakapagkape lang ako habang sila ay busy. dapat busy muna silang lahat para ako ay hindi busy. kasi pag sila ay hindi busy, kelangan kong maging busy para sila ay maging busy at para naman ako ay hindi na busy. getz nyo? pangatlo, okay ngang magkape sa ministop. in fact, kahit kape sa jabi pinapatulan ko habang ang mga bueninos ay busy sa playground. pangapat, this coming saturday, july 11, wag palampasin, dapat kumpleto ulit ang familya poets. sa jabi, 4 to 6 ng hapon, birthday ni ynopot!! then punta tayo MOA para nood ng fireworks at 7 p.m., the best yun kasi libre!

    • atenggot, si yotz ay si roz… hehe.

      yezzz, mukang masusundan ang dating “baywalk coffee” days. at sige, kahit magdala na lang tayo ng 3-in-1 with matching thermos, solb na rin. at kung kasama ang mga bueninos, malamang, makakasama ang elaitot.

      pero di naman kaya ako ma-OP? ako lang walang tot in tow e. haha!

      kitakits, july 11! yeyeyyy!

  4. kuya rey….ayus sa schedule ah..dinaig pa ako ng elaitot sa pagiging busy. hehehe

    sige po, magtetext ako kapag makakabisita na ako dyan. sobrang namimiss ko na talaga ang kakulitan ni elaitot eh..super duper sa hyper na panigurado sya..

    salamat sa pagiging welcome ko dyan..

  5. oi yot, puede mo kami dalawin anytime sa taguig, basta saturday and sunday lang lunchtime. hehe at dapat per appointment. busy kc elai pag weekdays since may pasok siya from 7am to 11am then maglulunch na agad un pagdating sa haus til 1215pm then tulog na from 1230 to 4pm. mag memerienda pag gising then mag aasignnment na sila ni naida (yaya) or nadine (pup student boarder namin na pinsan ni lav). pagdating namin ni lav from work, nagdidiner na un til 8pm. then mag aaway na sila ng nanay nya until matulog na ulit. odi ba sobra busy elaitot pag weekdays…

    tol, nakaleave pa rin pala ko today, sarap mag rest. sobra busy kc sa bdo kaya sinulit ko na SL ko though kaya ko na pumasok. si atengot wala time un, 3 na kaya buentots chikiting nun. til next time, guro istarbax na talaga hehe (masarap naman sa ministop, instant coffee prepared parang instant mami, self service na, P14 lang isa). musta kay pareng chon…mas mahaba na yata comment ko kaysa sa blog ni utol. kaya bye na…;)

  6. hehehe..ang galing..mabuti at nakahanap kayo ng time para magbonding..sobrang busy na kasi sa pamilya at ikaw, kila inang at amang…

    Ayy..bigla ko tuloy namiss si elaitot, nanay lav at tatay rey..

    I miss them…

  7. hay nku,buti nabasa ko ang sinulat mo at gusto ko talaga magcomment…hehehehehe,,,,,,,,kahit kelan talaga mahilig k gumawa ng eksena…..pero infairness,,,,muntik n ako maiyak sa blog n ito,minsan kasi hindi lang din mahalaga n alam ntin n nanjan lang sila kelangan talaga may bonding at ang mas masaya pa may isang naglilibre,,,hehehehehe….yun ang pinakamalupit…..sa lahat ng mga makakbasa ng blog ng pare koy….itxt nyo n rin ang long lost bro nyo or sis at yayain nyo din magbonding,maitxt nga ang mga kapatid ko nasan n b cla,bigla tuloy ako nakarelate…..

    pre…..SULAT PA……HHEHEHEHE

    • Chon! Yun naman e. Kamusta sa long lost brods mo… honga, parang nag-iisang anak pala drama mo. Hehehe. Di halata. Syado ka ring busy e.

      Balik tayong Zambales before ka lumipad!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: