sakripisyo (sana!)

ash wednesday nga pala ngayon. pinapaalala na naman ng Simbahang Katolika na anuman ang gawin natin ngayon, ano man ang marating, gaano man katayog ang maabot, babalik at babalik tayo sa alabok.

in the end, ang magiging sukatan pa rin ng buhay ay kung ano ang ating nagawa at para kanino tayo gumawa ng tama o mali. (atsaka pala “bakit”, “saan” at “paano”… hehe).

pero mahirap pa ring sukatin. mahilig kasing magpalusot ang tao. ang unang alibi: tao lang ako. nagkakamali.

kung susumahin, ilang pagkakamali ba ang dapat malampasan para maitama ang isang bagay? ilang luha at singhot, ilang galit, ilang pasakit, ilang lumbay, ilang pagkadapa o ilang pagsuway ba dapat ang hangganan para matuto at nang lumao’y maging masaya, kuntento at panatag ang ating mga konsensya? (oops, hello konsensya! ayan, pinapansin na kita…)

at naalala ko lang, pinaalala sa akin ng isang kaibigan ang sana’y gawing pag-obserba sa paggunita ng mahal na araw. ang text niya, “Fasting and abstinence ha?”

sa tuwing nangangamusta kasi siya, at nagtatanong kung nasaan ako, honest at open as i am, siyempre sasabihin ko kung nasaan ako. at lagi naman, nagkakataon, iba’t ibang lugar ang naa-update ko sa kanya. libis, cafe juanita, metrowalk, bahay ni juan, mugen, galleria, mcdo.

pero higit sa fasting at abstinence sa mga gimik (na kadalasa’y hindi ako gumagastos… hehehe, hindi sa user ako, wala lang talaga akong budget… palusot na totoo!), mas mainam na mag-fast at mag-abstain hindi lang sa pagkain, kundi mas dapat kong ituon ang aking pansin sa mga gawaing dapat ay nagpa-fast o nag-aabstain ako. example, babawasan ko ang pagiging taklesa. hehe. hindi lahat ng tao ay nakakaalam na ako’y isang nilalang na palabiro. charing!

so for now, buhay ko na muna ang aasikasuhin ko. at buhay ng mga taong umaasa na sana’y buhay pa ako.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on February 25, 2009, in Introspections, Jakulit. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. Biruin mo nga naman. Ksipag gumawa ng mga article like this. May God Continue to bless you making many articles and blogs. I will try to visit your site not our Project site to read all your views and jajaclopedia mind.
    I enjoyed reading it. Missing your kakulitan at mga ideas. Like your art creativity (naalala mo yung ngayos tayo sa kasal ng pinsan mo si josie? saka yung racket natin sa Coco palace?) hehehe… di kana nakakacompose ng kanta nyan? ANONA?
    Putol na ba ang hair mo ulit? san na mga guts na nagpapahaba nyan? You And Tebe are not getting any younger…
    Just here in UAE… Blink…

    • dami mo naman tanong KJ… hehe. kakamiss ka tuloy. mas makulit ka kaya sa ‘kin! haha!

      una, siyempre check mo muna yung Project site nyo at baka gumuho yun pag di mo nainspect. tas saka bisita ka dito lagi. hehe.
      at oo naman, parang kahapon lang ang ating mga wedding coordination eklavus. doon tayo natuto ng mga kaengengan e.
      ahm, kanta? meron, kaso need ko pa magfinger exercise. tumigas na mga daliri ko. di ko tuloy malapatan ng tugtog. dami, dami! hehe.
      hehe, literally, mahaba ang hair. figuratively, nagpapahaba pa lang. haha!
      si tebe? better ask her. siya dapat ang man-hater, hindi ako. pero ako ang masugid ngayon. haha!

      ingat ka lagi. ingat ka ng marami!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: