Ayoko ng bumili ng itlog pugo sa bus at kumain sa Chowking!

Kahapon, dahil hindi ko na mapigilan ang gutom, nagstop-over muna ako sa Chowking, sa may Edsa Central, bandang 830 pm, bago sumakay ng tricycle papuntang West Capitol.

Nilagang mani at itlog pugo lang kasi ang kinain namin sa bus. Buti na lang kasabay ko si Korey (na nagbayad ng aming meryenda) at si Elai (na nagturo ng aming meryenda at hindi mahindian ni Korey). Hehe.

Aktwali, ako ang nagturo nung itlog pugo. Hindi ko nga napansin na na-modus operandi pala ako. Kasi, mas marami yung naka-display na “merchandise” nung mamang nag-aalok ng “Pugo, pugo!” sa bus kesa dun sa ibinigay niya sa amin. Peste talaga. Anim kasi yung lamang itlog pero nung bumili na kami, aba, lima na lang yung itlog!

Si Korey ang nakapansin. Ako kasi, busy na ko sa pagtatalop ng balat. Hay naku, next weekend, magkikita kami ulit. At talagang talaga, ibubulgar ko ang kanyang modus operandi! First time ko pa man ding bumili ng itlog pugo sa bus.

Naaliw pa naman ako kasi may libreng plastic na lalagyanan ng imis yung mga nagbebenta sa bus.

Dun naman sa Chowking, sa may Edsa Central, umorder ako ng yang chow tsaka ng pork tofu. Masarap kasi ang tofu dun. Malinamnam na malutong. Kaso, sa kalagitnaan ng pagkain ko, tama ba namang mag-agiw ng kung ano yung isang crew na minamanduhan naman ng manager?! Itinuturo yung camera na andun sa sulok ng kisame… tapos pinapalis yung kung anu mang alikabok sa may panel? Tama ba yun? E apat na lamesa lang ang layo ko kaya sa kanila.

Kaya ayun, nawalan ako ng gana. Kahit hindi ko nakikita kung may lumilipad na agiw, alikabok o gagamba sa kinakainan ko, nakakawala talaga ng gana. Nakakainis nga e. Gusto ko mang mag-eskandalo, ayoko namang idamay yung ibang customer na hindi naman kasing pihikan ko. Nag-walk-out lang ako. At sinabi ko na lang sa sarili ko: “Hinding hindi na ako kakain sa Chowking.”

Mukang hindi sila naturuan ng timing kung kailang magtatanggal ng agiw e. Malay ko kung nag-aagiw din sila sa kitchen habang nagluluto ng paborito kong yang chow at tofu? Haay…

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on August 11, 2008, in Blogroll, Byaheherang Pilit, Familia Poets, Fast Facts, Introspections and tagged , . Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. Tama ate wag ka binili ng Itlog ng pugo sa bus. Don ka sa labas ng bus binili.

  2. hi.. hnde nman siguro lahat ng chowking ganun.. pero may naexperience nga rin ako na mga chowking na nakakawalang ganang kainan.. chowking sa may santolan branch, katabi ng bagong Mcdo, mukha nman malinis e.. sbe nga un daw ang pinakamalinis na chowking..

    • mine is one bad experience.
      yep, generalization is a fallacy. i admit. my bad.
      i still eat at chowking though. yang chow and tofu pa rin.
      thanks ralph for dropping by. 🙂

Leave a reply to walangmalay Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.