Anong ginawa ko noong Linggo?

Nakakatuwa. Fully rejuvenated ako paggising ko ng Sunday. Haha! Buti na lang, nasabihan ko agad si Mumsy pagdating ko ng bahay noong Sabado na hindi pa ko natutulog (maliban dun sa idlip ko ng bus from Cubao to Bulacan since Friday). Kaya ayun, pagkakain ng hapunan, straight to bed ang byuti ko kaya Sunday dinner na ko ginising ni Mumsy.

Actually, ginigising ako every meal time. Ako naman, sasagot daw ako ng “uh-uh” pero hindi naman ako bumabangon. Kaya nung hapunan, natakot na si madir at hindi na ako tinantanan. Mala-guwardiya sibil nga ang ginawang bantay sa kin hangga’t di ako bumabangon. Hehe.

Naging topic tuloy ako habang kumakain ng hapunan. Nakakapanibago nga kasi ang usual na topic namin pag kumakain, anything basta hindi tungkol sa kapitbahay. Hindi naman sa walang pakialam ang mga magulang ko sa mga buhay-buhay nila, pero madalas, tungkol sa politics, sports (a.k.a. boxing), religion, social issues, at ang peborit–kami kami: Si Ate na balang-araw daw ay magiging first woman governor (o governess? o to be politically correct, first govern??) ng BSP (hehehe, masayang mangarap), si Rey at kung bakit hindi siya dapat tawaging  kuripot (tol, pinagtanggol kita noong ito ang topic namin a long long time ago), si Ditse na tunay na matatawag na tanging ina (dami kasing alaga, may halaman, may aso–pati si juju ko siya na ang caregiver, at may dalawang makukulit na anak).

Kaya paggising ko ng gabi ng Linggo, habang pupungas-pungas na pumunta ng hapag, sabi ni Popsy (oo, Popsy tawag ko sa jeproks kong tatay, at siya namili nun!), matipid daw pala ako sa pagkain. Nilampasan ko kasi ang almusal at tanghalian. O di ba, tipid nga naman.

Nai-urat niya tuloy yung dating kwento tungkol sa pusang tinuruang huwag kumain. Ganito ‘yun.

Noong unang panahon, may isang tao daw na nag-aalaga ng mga baboy. Para daw makatipid, gustong turuang huwag na lang kumain yung mga pigs. Pero ginawa muna niyang eksperimento ang isang pusa. Araw-araw, sa tuwing pinapakain yung pusa, binabawasan yung rasyong pagkain. Kaya nung lumaon, kakarampot na lang yung kinakain ng pusa. Noong masasanay na sanang huwag kumain ‘yung pusa, hayun, namatay! Kaya nalaman nila na pag hindi kumain, maaari palang mamatay. Sows. Aral daw sa akin ang kwentong ‘yon. Ahehe.

After naming maghapunan, sa kawalan ng magandang palabas sa tv, maagang natulog si Popsy. Si Mumsy naman, nakiusyoso doon sa mga binili kong on-sale na VCD at DVD sa Astrovision. Usyoso lang kasi itong madir ko, wala pa siyang pinanood na pelikula, ingles man o tagalog na hindi niya tinatayuan o tinutulugan. Kaya una kong isinalang yung Mother Teresa, In the Name of God’s Poor. Aba, natapos ni Mumsy yung movie! At nagcomment pa–tame pa raw yung movie. Mother Teresa was short of being persecuted in her crusade, at kulang din sa mas tumitimong convictions niya about media, politics, family, etc.

Anyway, nagsalang ako ulit. Gising pa si Mumsy e. Hotel Rwanda naman. Himala, hindi din yon tinulugan ni Mumsy. Natapos niya yung movie! Kakatuwa nga e. First time to. Dalawang salang pa!

Iyon ang naging bonding moment ko with Mumsy last Mother’s Day. Nanood kami ng movie na inspiring, may saysay at hindi pirata.

Kung hindi ako tulog most of Sunday, siguro movie marathon kami. On sale din kasi yung Hearts in Atlantis, Samantha: An American Girl Holiday, Cronicas at All the King’s Men na binili ko. Next Sunday na lang siguro ulit, with matching popcorn.

Si Popsy naman, kailangan ko ng ibili ng bagong FPJ collection. Mukang gasgas na yung unang binili ko e. Hehe.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on May 13, 2008, in Blogroll, Familia Poets, Introspections, Moviedobidoo. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: