Ako din, masaya!

Naiyak ako dun sa letter ng aming CEO. Reading between the lines, siyempre, kahit paano nakakarelate ako.

Tama, ang dami ng nangyari. Pero kung susumahin, nakakaisang taon pa lang naman ako (at tatlo na ang 8layer), but then, I share the same sentiment though mine is shallow compared to that of the primemovers of 8layer.

Marami na rin akong natutunan, naranasan at napatunayan.

Natutunan kong magkaiba pala yung accountability at responsibility. Alam ko, hindi lang ako yung naguguluhan sa mga terminong ito. Pero dito sa 8layer, kahit hindi naituro sa akin kung ano yung pagkakaiba nito, sa araw-araw kong paggawa, natarok ko rin ang manipis na linya sa pagitan ng pagiging accountable at pagiging responsible.

Paano nga ba sila nagkaiba?

Sa maikli at simpleng definition, ganito yun.

Ang batayan ng accountability ay mga nakasaad na proseso, batas, regulasyon o polisiya.

Ang responsibilidad naman ay pinapagana mo na dito yung moralidad, kung ano ang tama, kung ano ang dapat at kung ano ang mas makabubuti.

Kumbaga, sa araw araw na paggising ko at pagpasok sa opisina, nakatatak na dapat sa akin na ang bawat aksyon ko ay hindi pansarili lamang kundi para sa mga kasama ko sa trabaho, sa aming kliyente, at sa kapwa naming nagpupursige upang maiangat ang IT sa lokal na merkado, upang lumaon, magkaroon din ng puwang ang mga gawa namin para maging kapakipakinabang para sa mas nakakarami.

Na narito kami, oo, para kumita ngunit higit upang mas makatulong sa mga negosyanteng naniniwala sa maiging maidudulot sa kanila ng aming mga gawa.

Na naging kunsensya ko yung mga dumadating na trouble ticket at hindi ako mapakali hangga’t hindi namin nabibigyan ng karampatang solusyon o nalalapatan ng sagot.

Na kailangang may matutunan mula sa amin ang mga estudyanteng nag-o-OJT at maipamulat sa kanila ang tama at nararapat na gawain.

Na upang lumaon, ang bawat naming natutunan ay maipapasa din namin sa mga indibidwal sa pamamagitan ng isang eskwelahan na nagtataguyod ng teknolohiyang kapakipakinabang sa lahat.

Ngunit kasama rin sa accountability at responsibility ang pagsusupil kung ang isang bagay ay nakakasira, nakakasakal, nakakapilay, nakakalason. Karugtong nito ang pagtatama, pagsasalansan ng anumang pagkakamali, at pag-iibayo ng nakagisnang buti.

Dahil kung nasa tama kang lugar, kung tama ang iyong ginagawa, kung nababatid mo ang pagkakaiba at pagkakatulad ng responsibilidad at akawntabilidad, tiyak, malinaw ang patutunguhan. Hindi dapat matakot kahit pa kailangan pa rin ng mas maraming naniniwala sa kaya at maari pang maging kontribusyon ng mga 8liens sa larangan ng IT.

Kaya nga natutuwa ako. Mag-iisang taon na ako sa 8layer. At sana’y natutuwa din sila para sa akin.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on March 31, 2008, in Blogroll, Introspections, Walong Patong. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: