Nang Magberdey si Boss Mara

we, the greeters…

Sa gitna ng kabisihan sa 8layer, siyempre kailangang ipagdiwang ang utak ng pagiging abala naming lahat.

Haberdey Sir Meriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiic!
Ang totoo, sa Sagada pa lang, ipinagdiwang na namin ang berdey ni big boss Meric Mara. Pero ang climax, sa new headquarters ng 8liens ipinagpatuloy. In so short a notice, pagdating ng alas otso ng gabi, inalis sa kamalayan ng mga 8liens ang anumang may kinalaman sa trabaho upang kumanta, sumayaw, tumawa at magpakuha ng litrato. Hehehe. Medyo walang ganong kuha ang berdey celebrant kasi sya rin ang photographer ng gabing ‘yon. Hindi dahil sa kanya ang camera, pero kasi berdey niya. E sya lang naman ang may creative shot, baka pag kami ang humawak ng camera, either puro ulo o puro paa ang mangyari.

Bakit nga pala kami masaya? Dahil maraming pagkain? Pwede… pero ung handa ni Tatay (ahm, isa pang tawag namin kay Bossing) e un ung nakaugalian orderin pag may bisita o may berdey sa 8layer. Dahil may beer? Maaari… pero local beer lang naman un at kanya kanyang kuha sa palamigan. Dahil first time naming ma-utilize ang music room (na server room, library, sleeping quarters, etc.)? Siguro… pero sa palagay ko, kaya kami masaya, kasi masaya kaming maging masaya dahil masayang maging boss si Tatay Meric. Biruin mo, may bossing ka na iga-guide ka, ituturo ang lahat (este, yung maaarok lang pala ng padawan, hehehe) ng walang kapaguran (with matching slide presentation) at pag-iimbot. Nagpapaabuso nga si Tatay Meric e. Pero pag napuno ang salop, nangangalos din.

Kaya kaming mga 8liens, saludo kami kay Boss Mara na Tatay Meric pa. One of the most uniquest kind. (Walang akong paki maging redundancy. Hehe.)

Kaya kami masaya…

mini show para kay bossingwalang hilig sa cameramga bouncer sa 8layer music roommakapagpapicture lang kahit mabalianke sayadue to popular request…watch out for these two — batiboys!!sarap talagang magpose!kat walang chair, game si dj adue to popular request…buti nakasingit pa si bossingbossing with dj abossing with 8layer’s ol around entertainerpara sa yo, ang latang ito…at tatagay pa talagaayaw namin ng pictureang mga nakisayaat ang mga masasaya

Agen, agen…

Haberdey Sir Meriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiic!

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on January 5, 2008, in Blogroll, Walong Patong. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: