Pasko sa Walong Patong

Una, salamat sa aming mga bossing, Meric at Deng, sa isang di makakalimutang salu-salo para ipagdiwang ang Pasko sa Walong Patong. Nakakaaliw, at nakakabaliw. Inumpisahan kasi ni Manong Cab Driver na feeling close na nakikipagkulitan habang tinatahak namin ang Edsa. Ang unang stop, sa Global Fun.Global Fun

The Ranger

Medyo nabitin nga lang kami ng kaunti kasi hanggang 12mn lang pala sila noong Huwebes, e 1030p na kami nakarating. At dahil gustong sulitin, namputsa, una naming sinakyan ‘yung Ranger! Susme, para akong nakasakay sa isang palakol na iwinawasiwas ng isang makulit na troll!

Free as a bird naman ang feeling ko sa giant swing. Kaso, hindi okey yung hangin. Para bang may hindi natapos na mwss project sa tapat. Hay, superb na sana…

dsc00103.jpg

Tapos, pumila sila sa Flipper. Doon, nag-pass ako. Nakikita ko pa lang na para silang mga hilong tea bag na iniikot ikot at iniitsa kaliwa’t kanan, nahihilo na ko.

dsc00104.jpg

At matapos namin silang panooring hilo, overlooking the MOA compound sakay ng giant ferris wheel (na dapat pala nagdala kami ng kape’t tinapay para nasulit ang sakay) naman ang naging next round.

Kakatuwa. Kakahilo. Kakabitin.

dsc00098.jpg

dsc00101.jpg

Kaya, sugod ang 8liens sa Pier 1. Pakabusog lang. Pakalango din.

Kasarap ng crispy pata dun. At after mabusog, (at mabitin sila sa SML), balik office kami. At hindi na sa 218, o sa 703. Officially, 503 & 501 na ang unit number ng office namin. At di na sa AIC (hmm, namimiss kaya kami ni Jonna? at ng mga guards, at ng mga cashiers sa 711?). Nasa Remco Tower na pala kami.

Amuy pintura (yung kulay orange) pa yung mga dingding kaya siguro na-high kami sa saya ng Christmas party namin. At heto ang mga ibidinsya.

da gelsbig boss gives kringle to choxder in da korner

big boss receives kringle from medium bossyvette loved the crazy bubbly spideypangkx receives kringle from me… and here’s spot the smiley facey!

more korner pixtres mujereswindow dive

da concertoda korner agenda korner pa rin

8layer gelssonghits odiks8layer boyz

kaya nasa korner kasi…and then we are…a pix with class!

Yep yep… we were a bunch of 8liens so enjoying the 21st-22nd day of December in an 8layeriffic way knowing full well that when it’s party time, it’s crazy party time. And when it’s work time, party time is just around the corner. =)

A biggie toast to 2008!

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on December 22, 2007, in Blogroll, Walong Patong. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: