Takot ako Kay Ama

Takot ako kay Ama. Totoo. Hindi lang naman ako. Si Ate, Ditse at Rey, takot din kay Ama.

Noon, yabag pa lang ni Ama, nanginginig na kami sa takot at ang takot na ‘yon ang nagbigkis sa ‘ming magkakapatid. Sila Ate at Ditse ang partners in crime, tapos kami ni Rey. May mga pagkakataon din na bonding kaming apat. Tipong Fantastic Four.

Oo, nagtatakipan kami. Noong minsang umuwi ng gabi sina Ate’t Ditse, doon sa emergency exit, sa may bintana, sila nagdaan. Pero bago sila nakadaan doon, nagkabukol muna ko. Kailangan kasi nila akong gisingin para pagbuksan sila. At para magising ako, kailangan nila akong hagisan ng bato. Ayun, bukolito. As in, maliit na bukol ang souvenir nila sa kin.

Minsan, ako naman ang tumanggap ng hagupit ng sinturon ni Ama para kay Rey. Pero madalas, ako naman talaga ang may kasalanan. Layas kasi ako. Umaga pa lang, nasa galaan na, bitbit ang teks at gabungkos na goma. Mapapagalitan ako siyempre. Kaya ang gagawin ko, manunundo ako ng kalaro na gustung gusto naman nila. Maluwang kasi ang bakuran namin. Lalu na ang loob ng kiskisan at bodega. Doon, madalas kaming magtagulolong, taguan, patintero, piko, tumbang preso at kung anu-ano pa.

Na pag dumating si Ama galing sa bukid, parang mga hilong talilong na nag-uuwian ang mga kalaro namin. Ayaw kasi ni Ama ng maingay. At dapat daw ay gumagawa na kami ng mga takdang aralin.

Si Inang naman ang aming tanging tagapamagitan. Dahil na kay Ama ang huling desisyon, kay Inang kami unang nagpapaalam. At si Inang ang nagpapalabok para payagan kaming umattend ng party, mag-overnight sa bahay ng kaibigan, lumuwas ng Maynila…

Kaya dati pa, close na ako kay Inang. Kahit nga hanggang ngayon, kahit maputi na ang buhok ni Inang, siya ang kakwentuhan ko tungkol sa eskwela, kaibigan, trabaho, balak, puso… Oo, kahit puso. Mas liberated pa nga si Inang sa akin kasi minsan, noong naghihinagpis si puso ko, ang ipinayo ba naman sa akin, ligawan ko na raw! Aba, mas desperada pa si Inang kesa sa kin!

Teka, teka.

Ayun, hindi na nga ako takot kay Ama. Si Ate, Ditse at Rey, hindi na rin. Napalitan na ng pagkagiliw. Minsan, pagkainis. May katigasan kasi ng ulo. Parang magkakasakit pag walang ginagawa. At pag nagkasakit, ikut pa rin ng ikot. Pag pinigil naman, lalong nanggigigil. Kaya ibigay ang hilig!

Lalu na ngayon, berdey e! Sige Ama, pwedeng magyosi.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on October 6, 2007, in Blogroll, Introspections. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: