Olive Oil o Spinach?

Pasado alas-kwatro na ko nakarating ng office kanina.

Hindi naman alibi na puyat at may hangover ako. ‘Yung mga bossing ko nga, tiyak mas pagod pa sa kin. Actually, lahat naman kami inumaga na paguwi. Ang saya at ang kulet kasi ng gig ng DeKada sa 70s Bistro.

Pero napasarap din kasi ako ng tulog sa aking hideout. Salamat na rin sa makapangyarihang boses na nagtaboy sa kin. Kahit nagpipilit ang three little indians na ampunin ako sa mahiwaga nilang lungga, nangibabaw pa rin ‘yung “umuwi ka na lang”. E di uwi. Tulog. Napahaba nga. Nakumpleto ko ‘yung 8 hours. Siguro aabot ‘yun ng half-day kung walang gumising ng iyak sa akin sa phone. Ramdam ko pa nga pati brssst nya.

Ang bilis talaga ng sagot ni Lord! Three weeks ago kasi, buong linggo akong naging spongebabe. Araw-araw, iba-ibang luha ang pinagpilitan kong patahanin. The week that followed, every other day naman. Last Friday, nakapagtanong tuloy ako, “Lord, bakit wala akong kliyente? Okay na ba sila? Wala na bang kong tear ducts na lilinisin? Magaan kasi ako pag may napapagaan akong iba.”

Selfish reasons. Sabi nga ni Ayn Rand, selfishness is a virtue. Wataymin is, I tend to advise them what “I” want to hear.

Kaya nga ito ang summation ng payo ko kay caller number 2 ng magkita kami sa esem:

Baka naman pinapagod mo lang si Popeye? Your choice, be Olive Oil but don’t expect him to always be there when you need help. Or be his Spinach, his source of strength and inspiration.

Yun lang, ang tanong niya, “Sino, ba mas gusto ni Popeye, si Olive Oil o ang Spinach?”

Nag-hang ako. Pero sigurado, hindi si Brutus.

Niwey, sabi ko sa kanya, “You’re making your own reasons for crying.”

Totoo naman. Ito kasing kaibigan ko, nagdevise siya ng way para daw malaman niya kung talagang mahal siya ng kanyang sinta. Gaga talaga. Kung kelan may date na ang kasal!

Kung ano man ‘yung nangyari, hindi ko na sasabihin. Basta nagbigay lang ako ng rejoinder. Para sa akin kasi, una pa lang, mali na ‘yung ginawa nya. Hindi naman kasi microchip ang puso na kailangang pumasa sa sangkatutak na QC para malaman kung papasa ba sa sanglibong standards.

Simple lang. Kung gagawin ni Olive Oil na career ang pagsigaw ng “Help!” at maging batayan yon kung siya pa rin ang lavadoo ni Popeye, pwede naman.

Hindi ko naman sinasabing kayanin lahat ang problema, o wag magtitiwala sa mga pulis at bumbero.

Ang sa kin lang, pano kung sabay silang sumisigaw ng “help”?

Scenario lang naman ‘yung binigay ko. Kung papanong magiging makatotohanan ‘yon, siya ng bahala.

Sabi ko nga, mas mainam kung siya si Olive Oil na maghahain kay Popeye ng Spinach. At para effortless, dapat may baon siya laging can opener.

Siyempre, napaisip din ako. Pano na lang si Brutus?

Pano nga?

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on September 11, 2007, in Blogroll, Introspections, Jakulit, Walong Patong and tagged , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: