Dear Ateng

Dear Ateng,

Naalala mo nung nag-ym tayo tapos nakikipag-appointment ako para makahingi ng legal advice? Umoo ka nga agad. Hindi ka nga nagtanong kung tungkol saan o kung bakit o kung sino… Ganyan ka kasi, basta kapamilya, kapuso na rin. Yun lang, sobrang saya ng pinili mong oras at araw. Breakfast sa Figaro, sa Baywalk! Tama ba yun? Alam mo bang ganung oras pa lang ako pauwi non?!

Pero siyempre, go na rin. Tapos, pagdating don, nabadtrip ka pa nga kasi wala na pala yung mga kiosks at stalls sa baywalk. Remember, na-on-the-spot interview ka pa tungkol sa sentimyento mo sa pagdedemolish sa mga establishments na nakapagbigay ng trabaho, tambayan at pasyalan sa marami?

Teka, hindi tungkol sa bagong kaso o sa plight ng baywalk ang sulat ko. May magandang balita ako!

Kasi di ba, tinanong kita kung paano ako makakabayad sa walang pag-iimbot mong pagbibigay ng iyong kaalaman sa batas?

Dalawa yung sinabi mo di ba? Parehong payment in kind: Tickets at Rackets.

Ayan, makakabayad na ko! Ihanda mo na ‘yung brochure at dadalin ko sa Lunes. Bibili na raw ng pangpaseksing undergarments si Girl Bawang. Pangdagdag sa racket mo.

And most marvelously, TICKETS!

Sa September 10, sa 70’s Bistro, may libre kang ticket para mapanood mo ulit ang De Kada. Oo, sasabihin kong ihuli nila ‘yung Hele para makatulog ka ng mahimbing habang nakikipag-race sa EDSA si Kuyang.

Tinanong mo rin ako kung kakanta si Choks? Hmm, di ako sigurado e. Pero sa pagkakakilala ko dun, game naman yun. Tipong pumito ka lang at isigaw ng malakas ang pangalan ni Choks, magnanakaw na yun ng mic at mic stand. Sana lang, magdala siya ng music sheet. Nakakahiya naman kung didiktahan pa siya ni Deng ng lyrics, di ba?

So, pano, sa Lunes… At long last, magkakasama tayo ng matagal tagal.

Bakit kasi hindi tayo magtagpo sa bahay… pareho naman tayo ng tinitiran.

Nagmamahal,
Japot

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on September 7, 2007, in Familia Poets, Jakulit, Walong Patong and tagged . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: