Archive

Archive for the ‘Familia Poets’ Category

Buti pa ulan, malakas… ako, hindi.

Iba pala yung level ng stress ‘pag bigla kang nagkasakit at alam mong may red alert (mas red lang ng kaunti sa red alert sa opis).

Last Wednesday, June 3, sobrang excited ako non. After 5 looooonnngg months, uuwi na rin kasi si Mumsy at ang mga Buentots. Actually, dapat June 2 pa sila dumating (at ako naman, excited siyempre) kaso hindi sila naka-board ng flight due to some issues. Niweiz, June 3, delayed pa rin yung flight nila ng almost 2 hours kaya June 4 ng madaling araw, alas dos ng umaga na sila nakapag-checkout.

Galing pala sila ng Virginia, US. Healthy naman ang dating nila. Rosy pink cheeks nga si Mumsy at superhyperactive din sila Yno at Deen.

Kaya alam ko na hindi swine flu yung nagumpisang lagnat ko noong Friday (at okay na ang pangamoy ko ngayon… hehe… di pa ko naliligo, obvious to myself). Giniginaw lang naman ako noon, at may konting chill. At ayon sa slides na inemail sa akin ni KJ, kasama sa symptoms yung stuffy nose (negative), cough (negative) at shortness of breathing (nyeta, e nung binabasa ko yung slide, hinihingal ako. sira kasi elevator sa building namin at kakapanik ko lang! sa 5/F kaya kami… waah!).

So wala akong swine flu. Ang culprit, ako din!

Sobrang natuwa kasi ako sa ulan these past few days. Haay, naiinggit kasi ako dun sa mga batang naglalaro at nagtatampisaw sa ulan. Kaya sumisimple lang ako. Lakad takbo ako pag umuulan. Every chance I get. Hehehe.

Kaya heto, recuperating.

Pero feeling ko, pwede na kong maligo.

Under the shower. Imaginin ko na lang na ulan.

Categories: Familia Poets, Jakulit

Smiles of a Tot

March 19, 2009 walangmalay 2 comments

My Ay! Phone!’s photo repository is full of tots. Luv kids. Can’t blame me. They’re so… naturally kids — honestly without sugar coating. WYSIWYG. Even with tantrums! At least you have an idea why their into a fit.

But most often, kids are sure fun to be with.

I have these two pics taken when I accompanied my nephew, Deen, to his Christmas Party last year. Deen is another tot, a 3-year old brilliance who can already read. In fact, he was the one who read the opening prayer before their party began.

As a toting Tita, since his parents where both indisposed at that time (sis was in US and bro-in-law was on an urgent business call) I asked Deen to pose for a souvenir picture.

Like a photo pro, I said, “Ok Deen, give me your brightest smile… 1, 2, 3, Smile!”

Deen's Smile #1

Deen's Smile #1

Cutie right? This pix is my screensaver. A real day brightener. That smile.

Anyway, I took another photo. This time, I want to see Deen’s eyes smiling too. So I simply instructed him not to close his eyes when he smiles. I even showed him how to do it. And this was how he smiled…

Deen's Smile #2

Deen's Smile #2

This forced smile of Deen made me laugh really hard! Oh kids!

Categories: Blogroll, Familia Poets, Jakulit Tags: ,

Thought ni Tot

March 18, 2009 walangmalay Leave a comment
Loreen Tot

Loreen Tot

Sino si Tot? Actually, hindi ito yung tunay niyang pangalan. Maganda lang yung rhyme. Ang name niya, Loreen, 3 years old. Isang tot. Malikot, madaldal, makulit, masayahin, biba. In short, isa siyang tipikal na batang 3-year old.

Siya at si Datdat (6-month old) ang nanggising sa kin kaninang umaga, empunto alas-siyete. Umiiyak kasi si datdat kaya tinawag ni Loreen ang mommy niya. Sumigaw siya, sabi, “Mommy, ang ingay ni Datdat! Magigising si Tita Jaja!”

Gandang panggising. Concerned pala si Loreen sa akin kahit paano. Hehe. Hindi lang ito ipinakita sa akin ni Loreen. Ipinarinig pa!

Snoopy's Hit in the Face

Snoopy's Hit in the Face

Snoopy in Reverse

Snoopy in Reverse

At hindi lang siya sa tao “maalaga”. Pati sa mga laruan.

Pagkatapos kasi naming magbreakfast, proud niyang ipinakita sa akin ang ginawa niya kay Snoopy d’ Tennis Player.

“Tita Jaja, inikot ko ulo ni doggie kasi tinatamaan yung mukha niya.”

That’s a kid’s concern in action. Para hindi masaktan si Snoopy, kailangan niyang pilipitin ang leeg nito. Nakakatuwang marinig ito sa isang bata.

Snoopy d' Tennis Player

Snoopy d' Tennis Player

Pero sa isang “matanda” na tulad ko, kung ako kaya ang magpayo nito: “Kung nasasaktan ka, saktan mo rin!”

Anyway, ito ang itinuro ko kay Loreen. Ipinakita ko sa kanya na pwede namang i-adjust ang kamay ni Snoopy para hindi umabot sa mukha nito yung raketa. Na hindi kailangang dumaan sa nakakatakot na exorcism si Snoopy para lang hindi magtama ang mukha nito at ang raketa.

Kaya si Snoopy, nag-aabang na lang ng balls ngayon. Ready for action, ika nga.

Choose Ko ‘Day!

January 8, 2009 walangmalay Leave a comment

Fact: Mula noong pagpasok ng 2009 (2% ng 2009, hehe), hindi pa ako naabsent sa beer. Ewan ko ba, parang gabi-gabi na lang, sa mga napupuntahan ko, laging may sesyon, e hamak na tapos na ang Oktoberfest. Jan 1, New Year’s celebration; Jan 2, 70s Bistro sa pagbabay sa berdey ni bossing Mara; Jan 3, wedding preps kila Annie; Jan 4, wedding ni Annie; Jan 5, 8liens sa Bahay ni Juan; Jan 6, DNS sharing ni Junior; at kagabi, naunsyaming Email Server sharing ni Roz.

Fiction: Lasing Philosophy pa rin. Hindi maipaliwanag ng “utak kong lito” (henyo, pahiram ng iyong legendary phrase… hehe…) at mananatiling higanteng question mark ang katinuan ng isang tao kapag nalalasing. Although may mga basis na ako tulad ng nangyari kay Roz (“Hindi ako lasheng!”), at kay JR (kunwari hindi tunay na pangalan, haha!) na kumakanta ng “Di Ako Iiyak” habang nanglilimahid sa luha ang mga mata.

Fact: Nakakuha na si Momsy ng US NIV. Na-aapprove siya for a 10-year multiple entry under non-immigrant status sa US. Ang saya nga e. Nagtambay ako sa Baclaran Church, nakapagnovena kay St. Gerard, at naka-attend ng misa para sa 3 Kings. Hayan, sana hindi na mamroblema ang ate ko habang tinatapos yung kanyang grad studies. Ngayon pa lang, sobrang namimiss ko na si Momsy. Five months kaya siya dun! Ibig sabihin, 5 months akong walang ina. Waaah! Walang adobo, walang dinuguan, walang seafood curry… at walang bantay ang Popsy ko?! Oh no!

Fiction: Matuto kaya akong magluto in five months?

Fact: Isa na akong misyon. Kahit saan yata ako mapadpad — sa trabaho, sa reunion, sa salu-salo sa barkada, nagmimistula akong nakakatawang tampulan ng tukso. Kulang na lang, ipost nila ang profile ko sa lost and found section ng mga dating sites sa internet. Kaya nga nagsenti mode ako sa Walang Malay. In fairness, hindi naman ako choosy (hindi talaga!!!). Sila ang choosy. Hehe, palusot.

Fiction: Malas daw ang mga taong ipinanganak sa year of the rabbit ngayong year of the ox. Ibig sabihin, malas ako. Pero sa nagdaang 2% ng 2009, hindi pa naman ako minamalas. Pero hello, last year kaya, swerte daw kami. Ngee, hindi kaya. Kung swerte ang mga rabbits last year, sana nakapagbreed na ako. Haha!

Fact: Solve ako sa ilang natanggap kong holiday gifts. Si SciPhone, si Baguio shirt, si Pink VS perfume, si Red jacket, si Sagada bead bracelet, at si lucky door charm.  At siyempre, pababasbasan ko na rin si crystal bead rosary. Sa mga nakaalala, sobrang daming salamat. Sa mga makakaalala pa lang, thank you in advance. Hehe.

Fiction: Huwag ko kayang ibigay yung mga hindi ko pa naiaabot na holiday gifts ko? Selfish.

Ayoko ng bumili ng itlog pugo sa bus at kumain sa Chowking!

August 11, 2008 walangmalay 2 comments

Kahapon, dahil hindi ko na mapigilan ang gutom, nagstop-over muna ako sa Chowking, sa may Edsa Central, bandang 830 pm, bago sumakay ng tricycle papuntang West Capitol.

Nilagang mani at itlog pugo lang kasi ang kinain namin sa bus. Buti na lang kasabay ko si Korey (na nagbayad ng aming meryenda) at si Elai (na nagturo ng aming meryenda at hindi mahindian ni Korey). Hehe.

Aktwali, ako ang nagturo nung itlog pugo. Hindi ko nga napansin na na-modus operandi pala ako. Kasi, mas marami yung naka-display na “merchandise” nung mamang nag-aalok ng “Pugo, pugo!” sa bus kesa dun sa ibinigay niya sa amin. Peste talaga. Anim kasi yung lamang itlog pero nung bumili na kami, aba, lima na lang yung itlog!

Si Korey ang nakapansin. Ako kasi, busy na ko sa pagtatalop ng balat. Hay naku, next weekend, magkikita kami ulit. At talagang talaga, ibubulgar ko ang kanyang modus operandi! First time ko pa man ding bumili ng itlog pugo sa bus.

Naaliw pa naman ako kasi may libreng plastic na lalagyanan ng imis yung mga nagbebenta sa bus.

Dun naman sa Chowking, sa may Edsa Central, umorder ako ng yang chow tsaka ng pork tofu. Masarap kasi ang tofu dun. Malinamnam na malutong. Kaso, sa kalagitnaan ng pagkain ko, tama ba namang mag-agiw ng kung ano yung isang crew na minamanduhan naman ng manager?! Itinuturo yung camera na andun sa sulok ng kisame… tapos pinapalis yung kung anu mang alikabok sa may panel? Tama ba yun? E apat na lamesa lang ang layo ko kaya sa kanila.

Kaya ayun, nawalan ako ng gana. Kahit hindi ko nakikita kung may lumilipad na agiw, alikabok o gagamba sa kinakainan ko, nakakawala talaga ng gana. Nakakainis nga e. Gusto ko mang mag-eskandalo, ayoko namang idamay yung ibang customer na hindi naman kasing pihikan ko. Nag-walk-out lang ako. At sinabi ko na lang sa sarili ko: “Hinding hindi na ako kakain sa Chowking.”

Mukang hindi sila naturuan ng timing kung kailang magtatanggal ng agiw e. Malay ko kung nag-aagiw din sila sa kitchen habang nagluluto ng paborito kong yang chow at tofu? Haay…