Archive

Archive for the ‘Beerkada’ Category

Choose Ko ‘Day!

January 8, 2009 walangmalay Leave a comment

Fact: Mula noong pagpasok ng 2009 (2% ng 2009, hehe), hindi pa ako naabsent sa beer. Ewan ko ba, parang gabi-gabi na lang, sa mga napupuntahan ko, laging may sesyon, e hamak na tapos na ang Oktoberfest. Jan 1, New Year’s celebration; Jan 2, 70s Bistro sa pagbabay sa berdey ni bossing Mara; Jan 3, wedding preps kila Annie; Jan 4, wedding ni Annie; Jan 5, 8liens sa Bahay ni Juan; Jan 6, DNS sharing ni Junior; at kagabi, naunsyaming Email Server sharing ni Roz.

Fiction: Lasing Philosophy pa rin. Hindi maipaliwanag ng “utak kong lito” (henyo, pahiram ng iyong legendary phrase… hehe…) at mananatiling higanteng question mark ang katinuan ng isang tao kapag nalalasing. Although may mga basis na ako tulad ng nangyari kay Roz (“Hindi ako lasheng!”), at kay JR (kunwari hindi tunay na pangalan, haha!) na kumakanta ng “Di Ako Iiyak” habang nanglilimahid sa luha ang mga mata.

Fact: Nakakuha na si Momsy ng US NIV. Na-aapprove siya for a 10-year multiple entry under non-immigrant status sa US. Ang saya nga e. Nagtambay ako sa Baclaran Church, nakapagnovena kay St. Gerard, at naka-attend ng misa para sa 3 Kings. Hayan, sana hindi na mamroblema ang ate ko habang tinatapos yung kanyang grad studies. Ngayon pa lang, sobrang namimiss ko na si Momsy. Five months kaya siya dun! Ibig sabihin, 5 months akong walang ina. Waaah! Walang adobo, walang dinuguan, walang seafood curry… at walang bantay ang Popsy ko?! Oh no!

Fiction: Matuto kaya akong magluto in five months?

Fact: Isa na akong misyon. Kahit saan yata ako mapadpad — sa trabaho, sa reunion, sa salu-salo sa barkada, nagmimistula akong nakakatawang tampulan ng tukso. Kulang na lang, ipost nila ang profile ko sa lost and found section ng mga dating sites sa internet. Kaya nga nagsenti mode ako sa Walang Malay. In fairness, hindi naman ako choosy (hindi talaga!!!). Sila ang choosy. Hehe, palusot.

Fiction: Malas daw ang mga taong ipinanganak sa year of the rabbit ngayong year of the ox. Ibig sabihin, malas ako. Pero sa nagdaang 2% ng 2009, hindi pa naman ako minamalas. Pero hello, last year kaya, swerte daw kami. Ngee, hindi kaya. Kung swerte ang mga rabbits last year, sana nakapagbreed na ako. Haha!

Fact: Solve ako sa ilang natanggap kong holiday gifts. Si SciPhone, si Baguio shirt, si Pink VS perfume, si Red jacket, si Sagada bead bracelet, at si lucky door charm.  At siyempre, pababasbasan ko na rin si crystal bead rosary. Sa mga nakaalala, sobrang daming salamat. Sa mga makakaalala pa lang, thank you in advance. Hehe.

Fiction: Huwag ko kayang ibigay yung mga hindi ko pa naiaabot na holiday gifts ko? Selfish.

Here comes 2009!

January 1, 2009 walangmalay Leave a comment

Whew, and 2009 came! 2008 ended with a blast with our Sagada post-Christmas venture topping my list of unforgettables. The 8liens, I mean, me and my 8layer colleagues, invaded Sagada again last 26-29 of December (twas this time last year that we were there). This time, instead of Sagada surviving us, it is we who survived! Especially, our dear Kuya Willy, who almost peed in his pants trying to hold on to dear life in one of the tricky part of the cave connection trek. Sad to say, I wasn’t there to see it. Our group came a bit later, not fast enough to overtake the first group. I had to rely on the very detailed recollection of the 8liens about the rescue mission. (Lester of Saggas, you’re a hero!) Haha!

Another 2008 ender for me was the reunion of the V5 dabarkads last December 30 and held in our home sweet home. I survived it too! Imagine, fresh from Sagada and from the Autobus mishap (ran out of fuel, fortunately, we were already somewhere in QC!), I was dizzyingly still recovering from the cold (literally!) nights of Mt. Province, sleepy and battered from the long travel back.

I miss my “baby” Datdat too. I’m sure, Dada and Nellie misses her too. Lovely, she is. My “adopted” Christmas baby is one lucky girl. She captured two baby-less couples wanting to take her as their own. If only her true family can realize what an angel she is. Sigh!

It’s already 4AM and I am rattling my brain on what other things in 2008 have been quite unforgettable for me… Wow! Can’t list them down for now. All I can say is that 2008 was tons of blessing. Been with truly amazing people and every inch of them, every experience I had, every memory would take a whole lot of space… yehoy!

Well, I guess, it is better to look forward than look back.

2009, here I come!

A blissful and productive year ahead, everyone!

P.S.
This blog is supposed to have photos… still waiting for uploads… got no cam, yet. hehe.

lipad ko to

naalala ko nung magpunta kami sa freedom bar. may dalawang banda na nagpasayo ng kanilang awitin at sinabing walang title yung kanilang tinugtog. tapos, sa conspiracy din, nung tumugtog si rj jmnz, may kinanta din siyang walang title. uso ata ang mga walang title ngayon. anyway…

last weekend, mahabang byahe ang ginawa ko. sa haba niya, mahaba-habang pagmumuni-muni din ang naganap sa isip kong tuliro na rin sa mga bagay-bagay na dapat kong gawin (pati na rin yung mga bagay na hindi ko dapat ginawa).

sa pagdating ko naman sa aking destinasyon, tila bulang naglaho sa aking itinerary ang mga binalak kong gawin habang kako nagpapahinga sa nilibreng tuluyan sa min ni dadadidodu. sarap kasing mapahinga dun. bagong klima. bagong kwarto’t kama. bagong channel sa cable. bagong food staples. bagong mga kainan. bagong mga kwentong mumu (dun daw sa bed na tinulugan ko, yun daw yung huling hinigan ng katawang lupa nung mga magulang nung may-ari nung bahay, sumalangit nawa!), bagong mga trip (sabayan daw ba ang mga sandamakmak na aliens sa pakikipagtalastasan). in short, bagong mundo sa loob ng 48 oras. isang commercial ng yugto ng buhay ko.

sa pagpagtatapos ng aking paglalakbay sa norte, kasabay ng mga manaka-nakang ambon at pag-ulan, heto’t back to my senses na ulit ako. pagbukas pa lang ni laftaf, parang routine, agad kong binuksan yung aking email at kasabay nun ang status ng aking mga tasks at projects. parang gusto akong kurutin nung mga overdues ko sa wiki at online documentation, ganun na rin yung mga artiks sa website. at nagyeyehey naman yung proyekto na makalap lahat ng mga document templates na kailangan namin sa opisina para naman mapabilis ang aming correspondences.

naroon din yung constant reminder ko na rebyuhin ang linux filesystem. pagdating kasi sa mga bagay na teknikal, ewan ko ba, pero sa short-term retention lang kinacategorize ng aking hippocampus ang mga ito.  kaya para ma-override at mailagay sa long-term, kailangan kong magrebyu lagi. heto’t nakalimutan ko na nga ulit kung alin sa ext3 at reiserfs ang may journalling. nakalagay kasi sa nokbuk ko, sa ext3 siya, pero sa isang sulok ng aking nagpipilit na makaintindi ng mga teknikalidad, reiserfs ang may journaling. buti na lang, pwedeng i-google! o di-ba, ang salitang “google” ay pwede na ngayong gamiting verb?

at hayun, nagkaiba lang pala ang ext3 at  reiserfs sa usapang pinuhan ng sector. pareho naman palang may journalling. mas lamang nga lang sa ngayon ang reiserfs sa usapang journalling.

ano ba ang journalling? para sa mga linoobs (pinaikling linux newbies) at nyologs (non-linux users or no-linux backgrounds), ang journalling ay… ito yung… para siyang record book. bawat proseso na nangyayari sa filesystem, dito nila-log. kumbaga, isinusulat niya ang bawat transaksyon na ginawa mo sa iyong filesystem. importante ito sa mga pagkakataong magcrash ang iyong computer. nagbabasa-basa pa rin ako ngayon, pero pag naintindihan ko na ng lubusan, magandang mai-share ko na rin. tipong in vernacular para masaya. umpisahan ko sa filesystem, hindi nga lang ngayon. ike-ks (knowledge sharing) ko muna sa office.

haay. daming iniisip. pati tuloy yung interview sa embassy, kinatatakutan ko. kawawa naman si atenggot pag hindi ako nakapasa, lalu’t pinayagan na ko sa office na mag-leave. kawawa kasi all-expense paid nya to. maliban dun sa interview appointment na binayaran ko ng $9.95. barya lang naman to compared sa visa apps na $131 at plane fare (two-way reservation na kaya). sayang talaga pag na-deny ako. waah! ang problema ko, paano ko mapapaniwala ang consul na super duper closely tied ako kay motherland para magnais ng greener pasture sa ibang lugar. ang akin lang naman, which is what i personally believe, ang nagpapasaya naman sa tao ay siya rin. kung matayog ang pamantayan nya para maging kuntento sa buhay, dapat matayog din ang dapat niyang abutin para makamit yon at dapat, tayugin nya rin ang lipad.

ako naman, hindi naman katayugan ang pangarap ko. pero lipad ko to. maaaring matayog sa iba, pero sa akin, i’m freely flying. nag-eenjoy na ko e. ganoon naman. basta gusto natin ang ating paglipad, kahit bumabagyo pa, kakayanin! atsaka, penguins can fly, di ba? haha! whee!

To give or not to give

May 26, 2008 walangmalay 1 comment

“Pinahiram” ko kay Dada ‘yung black/orange ko na Illustrazio padded backpack. Sabi ko, gamitin nya muna tutal may ginagamit naman akong Echolac na regalo naman sa kin ng kompanya noong Pasko. Pag nagustuhan niya, saka nya na lang ako bayaran.

Pero considering na si Dada ‘yun, baka ireregalo ko na lang.

Bakit ko ireregalo? Kasi nakita ko yung halos gutay-gutay na backpack na ginagamit niyang lalagyanan ng kanyang tools.”Pinahiram” ko kay Dada ‘yung black/orange ko na Illustrazio padded backpack. Sabi ko, gamitin nya muna tutal may ginagamit naman akong Echolac na regalo naman sa kin ng kompanya noong Pasko. Pag nagustuhan niya, saka nya na lang ako bayaran.

Pero considering na si Dada ‘yun, baka ireregalo ko na lang.

Bakit ko ireregalo? Kasi nakita ko yung halos gutay-gutay na backpack na ginagamit niyang lalagyanan ng kanyang tools.

Service engineer si Dada. Nagmemaintain at nangungumpuni ng mga hospital equipments na sinusupply ng kompya nila.

Kahapon, kahit Sabado, sa gitna ng salu-salo namin ng kabayong pula, may natanggap siyang consulting call galing sa katrabaho. Napagalaman kong may isa pala siyang kasamang engineer na lumipat ng sales department kasi mas malaki ang komisyon at mas sigurado ang kita. Isa siya ngayon sa mangilan-ngilang service engineer na sumalo sa iniwanan nung lumipat na engineer. Kaso, hindi pala maayos ang turnover.

Matagal na rin siya dun sa kompanya nila. Nabigyan na nga siya ng “service”. Honda. Pero nasa retokehan kasi may bangga na sa unahan at hulihang bumper. Knowing Dada, the safest driver I know, hindi siya ang at fault. Nakalimutan ko na yung kwento bakit may tagis yung unahang bumper, pero yung hulihan, kamakailan lang, may bumangga sa kanya. Sabi ko pa nga, dapat kinuha niya yung personal info nung driver, kopya ng OR/CR pati lisensya. Sabi niya, taxi daw. Pumayag siya sa p800 na settlement kasi naawa naman siya kaso naawa din siya sa sarili niya. Sabi ko, sana hindi na lang niya kinuha. Kawawa naman yung taxi driver.

Pero naawa na rin ako kay Dada. Kaya iniisip kong ibigay na lang yung backpack sa kanya. Pero kung magpipilit siyang bayaran ako, why not? Pilosopa lang naman ako. Siya, engineer.

Service engineer si Dada. Nagmemaintain at nangungumpuni ng mga hospital equipments na sinusupply ng kompanya nila.

Kahapon, kahit Sabado, sa gitna ng salu-salo namin ng kabayong pula, may natanggap siyang consulting call galing sa katrabaho. Napagalaman kong may isa pala siyang kasamang engineer na lumipat ng sales department kasi mas malaki ang komisyon at mas sigurado ang kita. Isa siya ngayon sa mangilan-ngilang service engineer na sumalo sa iniwanan nung lumipat na engineer. Kaso, hindi pala maayos ang turnover.

Matagal na rin siya dun sa kompanya nila. Nabigyan na nga siya ng “service”. Honda. Pero nasa retokehan kasi may bangga na sa unahan at hulihang bumper. Knowing Dada, the safest driver I know, hindi siya ang at fault. Nakalimutan ko na yung kwento bakit may tagis yung unahang bumper, pero yung hulihan, kamakailan lang, may bumangga sa kanya. Sabi ko pa nga, dapat kinuha niya yung personal info nung driver, kopya ng OR/CR pati lisensya. Sabi niya, taxi daw. Pumayag siya sa p800 na settlement kasi naawa naman siya kaso naawa din siya sa sarili niya. Sabi ko, sana hindi na lang niya kinuha. Kawawa naman yung taxi driver.

Pero naawa na rin ako kay Dada. Kaya iniisip kong ibigay na lang yung backpack sa kanya. Pero kung magpipilit siyang bayaran ako, why not? Pilosopa lang naman ako. Siya, engineer.

Salamatski!

Biyernes pa lang ng gabi, nagte-text blast na si Kj. Saan at kelan daw ba gagawin yung kamitingan namin sa V5. Sabado na ko nakasagot. Suggestion ko, sa badmintunan. Tanong nya, “treat mo?” Sagot ko, opkors not, di ko pa naman berdey. Sabi niya, si pgma kasi inilipat ng 7. Ang V5, pinapalipat ng 6.

O di ba, mas makapangyarihan ang V5?

Kaya pumayag na rin ako. Sabado ng gabi, pag-uwi ko ng Bulacan, nagmumuni-muni na ko kung ilang supot ng fishball, kikiam at squid ball ang bibilin ko kinabukasan habang binabalot ko ang sarili ng kumot. Ang ginaw kasi! Niwei, sanay na naman akong ginawin kasi nasa gitna ng kagubatan ang bahay namin. Kaya kahit nagpatay na ako ng ewekwik fan, maginaw pa rin.

Paggising ko kinaumagahan, giniginaw pa rin ako. Pero dapat hindi na kasi medyo mainit na sa kagubatan ‘pag mga alas-nuebe. Natanong ko tuloy ang sarili ko kung summer na ba talaga. Pero summer na nga. Ako lang ang giniginaw.

Nilalagnat na pala ko. Unang pumasok sa utak ko, hindi na ko makakapunta ng palengke para bumili ng fishball, kikiam at squidball. Kaya nagtext na ko kay Kj para i-cancel ang venue, at ang berdey ko.

Tapos tulog ulit.

Paggising ko, susme, nagdadatingan na sila.

Kaya sa V5, na nakiramay in advance sa aking isang taon na pagtanda, salamatski ng ubod many.

  • Kj, sa stapeging may itlog sa ibabaw.
  • Uncle Joe, sa fish crackers at tempura at sa “Jaja, you have a health problem”.
  • MacVim, sa sopisdrink.
  • Yotz, sa injan mango, bagoong, at bilog.
  • Dada at Mamanel, sa mga supot ng tsitsirya.
  • Enteng at Tebe, sa pagdamay sa aking sakit ng ulo (kasi naman e!).
  • Christian, Cj at Luis, sa pag-aapreciate sa aming mini-playground.
  • Ama’t Inang, sa taking care of the chickens at sa mahabang pasensya.
  • Mj, sa pambubugaw ng chickens.
  • Sa lahat, sa paghahabol ng chickens.
  • Jr, sa murder ng chickens at sa “mayamang mapera”.
  • Berto, sa feathering ng chicken at sa “babaeng Pinay”.
  • Claire, sa cooking ng chicken.
  • At kina Chon at Peletz, sa biglang late na paghabol (hehe, muntik na kayong di dumating! Bohol na! Yey!).

I may not be feeling so well, but you’ve all made me feel healthiest. Thankie guys!