Sino si Tot? Actually, hindi ito yung tunay niyang pangalan. Maganda lang yung rhyme. Ang name niya, Loreen, 3 years old. Isang tot. Malikot, madaldal, makulit, masayahin, biba. In short, isa siyang tipikal na batang 3-year old.
Siya at si Datdat (6-month old) ang nanggising sa kin kaninang umaga, empunto alas-siyete. Umiiyak kasi si datdat kaya tinawag ni Loreen ang mommy niya. Sumigaw siya, sabi, “Mommy, ang ingay ni Datdat! Magigising si Tita Jaja!”
Gandang panggising. Concerned pala si Loreen sa akin kahit paano. Hehe. Hindi lang ito ipinakita sa akin ni Loreen. Ipinarinig pa!
At hindi lang siya sa tao “maalaga”. Pati sa mga laruan.
Pagkatapos kasi naming magbreakfast, proud niyang ipinakita sa akin ang ginawa niya kay Snoopy d’ Tennis Player.
“Tita Jaja, inikot ko ulo ni doggie kasi tinatamaan yung mukha niya.”
That’s a kid’s concern in action. Para hindi masaktan si Snoopy, kailangan niyang pilipitin ang leeg nito. Nakakatuwang marinig ito sa isang bata.
Pero sa isang “matanda” na tulad ko, kung ako kaya ang magpayo nito: “Kung nasasaktan ka, saktan mo rin!”
Anyway, ito ang itinuro ko kay Loreen. Ipinakita ko sa kanya na pwede namang i-adjust ang kamay ni Snoopy para hindi umabot sa mukha nito yung raketa. Na hindi kailangang dumaan sa nakakatakot na exorcism si Snoopy para lang hindi magtama ang mukha nito at ang raketa.
Kaya si Snoopy, nag-aabang na lang ng balls ngayon. Ready for action, ika nga.



