Smiles of a Tot

My Ay! Phone!‘s photo repository is full of tots. Luv kids. Can’t blame me. They’re so… naturally kids — honestly without sugar coating. WYSIWYG. Even with tantrums! At least you have an idea why their into a fit.

But most often, kids are sure fun to be with.

I have these two pics taken when I accompanied my nephew, Deen, to his Christmas Party last year. Deen is another tot, a 3-year old brilliance who can already read. In fact, he was the one who read the opening prayer before their party began.

As a toting Tita, since his parents where both indisposed at that time (sis was in US and bro-in-law was on an urgent business call) I asked Deen to pose for a souvenir picture.

Like a photo pro, I said, “Ok Deen, give me your brightest smile… 1, 2, 3, Smile!”

Deen's Smile #1

Deen's Smile #1

Cutie right? This pix is my screensaver. A real day brightener. That smile.

Anyway, I took another photo. This time, I want to see Deen’s eyes smiling too. So I simply instructed him not to close his eyes when he smiles. I even showed him how to do it. And this was how he smiled…

Deen's Smile #2

Deen's Smile #2

This forced smile of Deen made me laugh really hard! Oh kids!

Thought ni Tot

Loreen Tot

Loreen Tot

Sino si Tot? Actually, hindi ito yung tunay niyang pangalan. Maganda lang yung rhyme. Ang name niya, Loreen, 3 years old. Isang tot. Malikot, madaldal, makulit, masayahin, biba. In short, isa siyang tipikal na batang 3-year old.

Siya at si Datdat (6-month old) ang nanggising sa kin kaninang umaga, empunto alas-siyete. Umiiyak kasi si datdat kaya tinawag ni Loreen ang mommy niya. Sumigaw siya, sabi, “Mommy, ang ingay ni Datdat! Magigising si Tita Jaja!”

Gandang panggising. Concerned pala si Loreen sa akin kahit paano. Hehe. Hindi lang ito ipinakita sa akin ni Loreen. Ipinarinig pa!

Snoopy's Hit in the Face

Snoopy's Hit in the Face

Snoopy in Reverse

Snoopy in Reverse

At hindi lang siya sa tao “maalaga”. Pati sa mga laruan.

Pagkatapos kasi naming magbreakfast, proud niyang ipinakita sa akin ang ginawa niya kay Snoopy d’ Tennis Player.

“Tita Jaja, inikot ko ulo ni doggie kasi tinatamaan yung mukha niya.”

That’s a kid’s concern in action. Para hindi masaktan si Snoopy, kailangan niyang pilipitin ang leeg nito. Nakakatuwang marinig ito sa isang bata.

Snoopy d' Tennis Player

Snoopy d' Tennis Player

Pero sa isang “matanda” na tulad ko, kung ako kaya ang magpayo nito: “Kung nasasaktan ka, saktan mo rin!”

Anyway, ito ang itinuro ko kay Loreen. Ipinakita ko sa kanya na pwede namang i-adjust ang kamay ni Snoopy para hindi umabot sa mukha nito yung raketa. Na hindi kailangang dumaan sa nakakatakot na exorcism si Snoopy para lang hindi magtama ang mukha nito at ang raketa.

Kaya si Snoopy, nag-aabang na lang ng balls ngayon. Ready for action, ika nga.

hayko

ito yung madalas kong ekspresyon ngayon. pinaikling “hay naku!” na madalas kong gamitin pag wala akong masabi, o pag may gusto akong sabihin na idadaan na lang sa buntunghininga.

unang narinig ko ito kay mumsy (ayan, namiss ko na naman si mumsy, waaah!) minsang napabuntunghininga na lang siya dahil sa kakulitan ko. hehe.

sa pakiwari ko, narinig naman niya ito sa isa sa mga makukulit niyang apo na ang hilig ay manggaya ng ekspresyon ng may ekspresyon… at dahil kulang pa sa talas ng dila, ayun, nashortcut ang “hay naku!” sa “hayko!”.

sabagay, sa text language, pede na ang “hayko” kung ang ibig mong sabihin ay “hay naku!”. tipid pa sa pagpindot ng keypad.

pero sa ngayon, ang “hayko” ay hango ko sa “haiku”. ito ay bersyong tagalog ng “haiku” kung saan may metro itong 5-7-5 na pantig sa isang saknong.

masyado lang akong feeling makata, artistic at kakaiba sa mga panahong ito dahil nagpapalit na ang hangin. maalinsangan na. summahtime, ika nga. kailangang magpa-cool. hehe.

kaya sa aking poetic blogfolio sa Walang Malay, nagpaka-TH akong mag-akda ng “hayko” na nilagyan ko ng pamagat na “panaginip“.

wala lang, trip lang, emo.

pluto, pamahiin at friday the 13th

bukas, friday the 13th na naman. parang nangyari na ito nung isang buwan… at sa november na ang ulit nito! ibig sabihin, tatlong beses pala akong swerte sa taong ito! hehe.

eniweiz, pinapangunahan ko na maging optimistiko. kahit naman paano, nabahiran din ako ng pagiging mapamahiin, tulad ng hindi pagkanta tuwing nagluluto kasi daw makakapag-asawa daw ako ng matanda. kaya nga ang ginagawa ko, song and dance number pag nagluluto with matching sandok microphone. o di ba, effective? mukhang naabo na kahihintay yung aking magiging better half. waah!

naroon din yung bawal daw maligo at magwalis pag biyernes santo. ang tanong ko, bakit? ilang berdey ko na kaya ang natapat ng biyernes santo! alangan namang hindi ako maligo nun? kahiya naman sa nagrarangyaan kong mga guests.

tas huwag daw tumuloy sa pupuntahan kung may tatawid na pusang itim sa iyong daraanan. goodness, siguro kung naniniwala din sa pamahiin ang mga bossing ko, aba’y baka every other day, absent ako. may kapitbahay kasi akong may alagang pusang itim dati. namiss ko kaya un! asan na kaya siya?

to cut it short, ako ang taga-kontra ng mga pamahiin.

kaya nga hindi ako naniniwala na malas ang 13, lalu na ang friday the 13th.

sa illinois nga, iseselebreyt nila ang pagiging planeta ng Pluto sa March 13th. ito kasi ang araw na nadiskubre ni Clyde Tombaugh, taga-illinois, ang Pluto noong 1930. pero dahil nademote si Pluto bilang isang dwarf planet, para sa mga taga-illinois, kahit isang araw lang sa buong taon, kikilalanin nilang planeta si Pluto. at ang taunang pagkilalang ito ay mag-uumpisa sa friday the 13th, bukas! o, di ba kaswerte ni Pluto? demoted, pero greatly remembered.

parang buhay lang yan. ang iyong kamalasan ay swerte ng iba.

pero sabi nga, wala namang salitang malas. ang meron lang, taong hindi marunong makuntento sa buhay.

Baka bilin mo na to bukas!

Magyayabang lang. Kakaiba kasi ang mood ko ngaun kasi kumpleto ang tulog. Hehe. Siyempre, nagpramis ako kay Sir GZ na pupunta ako ng training na di inaantok. Kaso, naresched… Haayz.

At dahil malapit na ang summer, kailangan na talaga ng mga bagay na makakapag-cool down sa akin. Ewan ko ba kung bakit mabilis makapagpainit ng ulo ang init ng panahon. Sabi pa naman sa balita kagabi, maghanda na sa nalalapit na malupit na tag-init! Oh no!

Dahil ako ay may pagnanais na pakalmahin ang lahat ng naghuhuramentado (isa sana ito sa gusto kong isama ng mga naghahangad na maupo sa pwesto sa darating na Prex Election 2010), narito ang ilan sa maiinit na tagpo na magpapaindayog sa inyong lumbay, siphayo, ligalig (bat puro nega? haay…) na puso.

Pwede ding pakinggan (kinig lang) ang buong kanta sa iLike De Kada Music.

Hintayin din ang nalalapit na going live ng De Kada website. Dito, mapapakinggan (yung iba, libre!) mo na rin sa wakas ang mga musikang kahihibangan mo. Hehe.